Monday, August 3, 2009

POST 2

Lunes, Ika-3 ng Agosto Taong 2009 Kalendaryong Gregorian
Hijrah 1430 Sha'ban 12
Sa Manila

Isang napakalawak na konsepto o dalumat... NUSANTARA RAYA...
Higit sa lahat, ito ay isang ideyang geograpikal/heyograpikal dahil nakatali ito sa larawan o imahe ng MAPA ng MUNDO kung saan ipinapakita ang HANGGANAN o "BOUNDARY" ng NUSANTARA RAYA... Samakatuwid, ito ay isang ideya sa isipan ng tau, ng isang tau, ng mga tau... Kung tanging sa isipan ko lang ang ideya ng "NR" ay maaaring sabihin ng isa na "hindi ito tutoo"... Paano kung maging dalawang (2) tau ang "maniwala" sa ideya... Hindi pa rin ba ito "tutoo"? Paano kung dumami ng dumami ang "maniwala" sa konsepto ng NR? Magiging tutoo ba ito? Ano ba ang KATOTOHANAN o "TRUTH"? Ito ba ay nangangailangan ng tau na maniniwala dito?... Ilan lamang mga pasakalye na maaring magdala sa mambabasa sa larangan o "field" ng PILOSOPIYA NG NUSANTARA (RAYA) o sa wikang Inggles "PHILOSOPHY OF THE NUSANTARA RAYA"...

NEITHER EAST NOR WEST => ?
NEITHER NORTH NOR SOUTH =>?
NEITHER INDIA/INDIAN NOR CHINA/CHINESE => MALAY!
NEITHER ORIENTAL NOR OCCIDENTAL => OCEANIC!
NEITHER BLACK NOR WHITE => BROWN OR BRUNET!
NEITHER.. E-2-2 LOY

Karaniwan kapag pinag-usapan ang kaalaman (ILM) hinggil sa isang bagay, ang ordinaryong tau ay kaagad na nagtatanong: ANO? ALIN? WHAT? WHICH? at tila may eksakto o ...

Mga salita at pangungusap na nagpapakita ng daloy ng mga ideya sa kaisipan ko kapag pinag-iisipan ko ang NUSANTARA RAYA... "Philosophizing about NR"...

Itutuloy...

Monday, July 20, 2009

POST 1

10:45 A.M. Manila time
Ika-21 ng Hulyo Taong 2009 Kalendaryong Gregorian
Hijrah 1430 Rajab 27(?)
Sa Bahay

TULOY PO KAYO SA AKING BLOG

===============
NUSA ANTARA RAYA
===============

Mas mainam kung ito ay "NUSANTARA RAYA" subali't may nakakuha na po nitong pangalang
nabanggit sa blogger.com Baka aku rin ang gumawa subali't matagal ko nang nakalimutan!

ANG NUSANTARA RAYA ay isang konseptong naisip ko noong araw pa at nananatiling nakaukit sa aking isipan marahil hanggang sa aking kamatayan. (Huwag tayong mag-paskasigruo sa BUHAY dahil hindi natin alam kung mamaya lang eh mauntog aku at magka-AMNESIA! Tapus ang konsepto ko ng NUSANTARA RAYA! Anyway...

Malawak na ideya o konsepto ito at ang pinaka-buod ay maipapakita sa pamamagitan ng isang MAPA:


"NUSANTARA RAYA"
[Solo Inventor and Co-Discoverer: JAMAAL bin JAVIER A.K.A. "JAM BIN JAVI"]

Hanggang sa susunod kong post.

JAM BIN JAVI